Palasyo, hindi pipigilan ang arrest order laban kay Misuari

By Rhommel Balasbas September 06, 2017 - 04:06 AM

 

INQUIRER file photo

Tiniyak ng Malacañang na hindi nito pipigilan ang arrest order na ibinaba ng Sandiganbayan laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari.

Ito ay matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Misuari kaugnay ng maanomalyang pagbili ng ARMM government ng mga information technology and education materials na nagkakahalaga ng P115 million.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang kasong kinasasangkutan ni Misuari ay kasong administratibo at walang kinalaman sa nagaganap na peace talks.

Matatatandaang noong 2016, inutusan ni Pangulong Duterte ang kapulisan na huwag munang arestuhin si Misuari upang maging bahagi ng usaping pangkapayapaan.

Sinuportahan ito ng Pasay City Regional Trial Court at pansamantalang ipinagpaliban ang arrest warrant laban sa MNLF leader.

Gayunpaman sinabi ni Abella na hindi matitiyak kung makakaapekto ang panibagong arrest warrant laban kay Misuari sa partisipasyon nito sa peace talks.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.