Trillanes, umalis na sa ethics committee ng Senado

By Kabie Aenlle September 06, 2017 - 04:04 AM SHARE(S):

 

Kusa nang nagbitiw si Sen. Antonio Trillanes IV bilang miyembro ng Senate Committee on Ethics.

Ito’y matapos magsampa ng ethics complaint si Sen. Richard Gordon laban sa kaniya, dahil sa iringan nilang dalawa sa pagdinig tungkol sa kontrobersyal na pagkakalusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs.

Ayon kay Trillanes, bababa na siya bilang miyembro ng ethics committee upang hindi maimpluwensyahan ang kaso laban sa kaniya.

Si Minority Leader Sen. Franklin Drilon na aniya ang pipili kung sino ang ipapalit sa kaniya.

Matatandaang inireklamo ni Gordon si Trillanes dahil sa pagtawag nito sa blue ribbon committee na “comite de abswelto.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.