Ayon kay Barangay Badian Chairman Henry Monteveros, karamihan sa mga pasyente ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka.
Kinumpirma naman ni Oas municipal health officer Dr. Jane Revereza na nasawi ang residente ng Badian na si Crizelda Imperial, 43 taong gulang.
Dinala ang iba pang mga pasyente sa mga ospital sa mga bayan ng Libon at Pio Duran, pati na sa mga lungsod ng Legazpi at Ligao.
Ani Revereza, sa ngayon ay naka-confine pa ang mga pasyente at patuloy pa ring isinasailalim sa gamutan.
Dahil dito, pinapayuhan nila ang mga residente na huwag nang kumuha at uminom ng tubig mula sa deep well.
Bukod dito, sinabi niyang mas makabubuting pakuluan muna ng mga residente ang tubig bago ito inumin.
Ayon kay Oas Mayor Domingo Escoto Jr., kung tataas pa ang bilang ng mga pasyente, mapipilitan silang magdeklara na ng state of emergency.