Media, pinasasama na ni Duterte sa mga anti-drug ops ng pulisya

By Kabie Aenlle September 06, 2017 - 04:09 AM

 

Muling hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-sama ng mga mamamahayag sa mga operasyong ikinakasa ng mga pulis laban sa iligal na droga.

Ito ay para mapabulaanan ang mga tumitinding alegasyon ng extrajudicial killings sa hanay ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Dahil dito, inatasan na ng pangulo ang pulisya na hayaan ang mga journalists na sumama sa kanilang mga isinasagawang raids.

Gayunman, nagbabala si Duterte sa mga mamamahayag na posible silang mabaril sa operasyon.

Inilabas ng pangulo ang kautusan sa isang pulong balitaan matapos ang naganap na pagdinig sa Senado tungkol sa mga nasabing alegasyon.

Naging emosyonal si Philippine National Police Chief Dir. Ronald dela Rosa sa pagdinig dahil sa aniya’y hindi patas na mga bintang sa kaniyang mga tauhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.