‘Immunity from suit’ posibleng hilingin ng mga Marcos bago ibalik ang pera

By Jay Dones September 06, 2017 - 04:24 AM

 

May posibilidad na humingi ng ‘immunity from suit’ ang pamilya Marcos kung matutuloy ang pagsosoli ng umano’y ill-gotten wealth na nakuha ng mga ito nito noong panahon ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong aminin na may emisaryong ipinadala ang pamilya Marcos na nagsabing handa ang mga itong ibalik ang naturang pera.

Paliwanag ng pangulo, hindi naman agarang ibabalik ng mga Marcos ang naturang pera nang walang kaukulang garantiya na hindi na sila hahabulin at ikukulong ng gobyerno.

Mangangailangan rin aniya ng isang bagong batas upang mailatag ang mga kinakailangang rekisitos sakaling matuloy ang planong pagsasauli ng pera ng mga Marcos.

Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi humiling ng ‘immunity’ ang kampo ng mga Marcos sa ngayon.

Dumistansya naman ang pangulo sa posibilidad na mabigyan ng ‘immunity from suit’ ang mga Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.