Barangay at SK elections sa Mindanao, tuluyan ng ipinagpaliban ng Comelec

By Khyz Soberano September 06, 2017 - 04:06 AM

 

Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinagpaliban na ng Commission on Elections ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mindanao na nakatakda sanang idaos sa darating na Oktubre.

Ito ang naging pasya ng Commission En Banc dahil sa patuloy na gulo at rebelyon sa lugar dahilan kaya isinailalim sa martial law ang rehiyon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, naging basehan ang desisyon alinsunod sa Omnibus Election Code na nagbibigay ng kapangyarihan sa komisyon na magpaliban ng eleksyon.

Naging pinal ang pasya ng Commission En Banc matapos pag-aralan ang naging public hearing na isinagawa sa Davao City noong August 15 na tumalakay sa nuo’y panukala pa lamang ng election postponement.

Base sa Section 5 ng Omnibus Election Code, may kapangyarihan ang komisyon na magpaliban ng botohan kung nahaharap ang alinmang political subdivision sa karahasan, terorismo, pagkawala ng election records na maaaring maging hadlang sa pagdadaos ng malaya at tapat na eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.