Limang ‘big-ticket’ projects, isusulong
Siyam na buwan bago umalis sa pwesto, inaprubahan ng Pangulo ang mga bagong PPP (Public-Private Partnership) , LRT6 (P64.7B) , LRT4 (P42.89B) , LRT2 (west extension-P10.11B) para sa Cavite Rizal, at Maynila.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., pinangunahan ng Pangulo ang pagpupulong ng National Economic Development Authority board meeting noong nakalipas na Sabado at dito nabuo ang pagsusulong sa Private-Public Partnership Projects na makakatulong sa sektor ng mass transport sa bansa.
Ang LRT6 ay extension ng LRT1 na may habang 19 kilometers at dadaan sa kahabaan ng Aguinaldo highway mula Bacoor patungong Dasmariñas, Cavite.
Ang LRT4 ay itatayo naman mula sa EDSA-Ortigas hanggang sa Taytay, Rizal. May habang 11 kilometers, ito ay kokonekta sa istasyon ng MRT3.
Ang LRT2 West Extension ay aabot sa Pier4 mula Recto station at magkakaroon ng istasyon sa Tutuban Station at Divisoria.
Sa ngayon, ginagawa na ang East Extension ng LRT2 mula Marikina hanggang Masinag-Antipolo.
Nakakasa na rin ang MRT7 na manggagaling San Jose Del Monte Bulacan, dadaan sa Commonwealth Ave. hanggang SM north-Edsa.
“President Aquino emphasized the importance of improving the infrastructure for sustaining long-term economic growth,” pahayag ni Coloma.
Inaprubahan din sa nasabing NEDA Meeting ang P15.35 bilyong bagong passenger terminal building sa Clark International Airport at Naga City Airport development Project na nagkakahalaga ng P3.53 bilyon na popondohan ng National government.
Sa sektor naman ng enerhiya, inaprubahan din ng NEDA Board ang Access to sustainable Energy Program ng Department of Energy na nagkakahalaga ng P4.89 billion. Ang P2.82 billion dito ay popondohan ng European Union samantalang ang natitira ay sasaluhin ng National government.
Sa ilalim pa rin ng DOE Program, magbibigay din ng mga grant para sa rural power generation at technical assistance sa National Electrification Administration.
Ayon pa Kay Coloma, natalakay din sa board meeting ang pagtataguyod ng Manila-Quezon Avenue Bus Rapid Transit Project at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.