Kaso ni Kian Loyd de los Santos at Carl Angelo Arnaiz nagagamit na sa politika-Dela Rosa

By Ruel Perez September 06, 2017 - 04:27 AM

 

Halata umanong ginagamit sa pamumulitika ng ilang mga senador ang kaso ng pagkamatay ni Kian Loyd de los Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Sa panayam kay CPNP Ronald Bato de la Rosa, matapos ang senate hearing ng committee on public order and dangerous drugs, iginiit ni Dela Rosa na walang polisiya ang PNP at wala siyang ipinag-utos na malawakang pagpatay sa mga drug suspects.

Paliwanag ni Bato, mayroong 120 thousand na mga buhay at mga arestado na mga suspects sa ilalim ng war on drugs.

Gayunman, sadyang hindi talaga maiiwasan ang may mamamatay lalo at nakatutok umano ang buong pwersa ng PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.

Sa naturang ring pagdinig, naging emosyonal muli si Dela Rosa habang nagpapaliwanag sa mga senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.