Magbibigay ng 730 million pesos na emergency relief at recovery assistance ang U.S government sa pamamagitan ng U. S Embassy in the Philippines’ United States Agency for International Development o USAID para sa mga komunidad na apektado ng patuloy na bakbakan sa Marawi City at mga karatig lugar nito.
Makikipag-ugnayan ang gobyerno ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas at humanitarian organizations para sa pamamahagi ng critical relief supplies gaya ng ligtas na inuming tubig, hygiene kits, kitchen sets at shelter materials na magsasaayos sa mga evacuation centers.
Magbibigay rin ng labingwalong pasilidad na may sapat na suplay at sebisyo upang matugunan ang tuberculosis at ang pangangailangan ng mga buntis at kalusugan ng mga bata.
Dagdag pa dito ang pagtulong ng USAID na ibangon ang Marawi sa pagbabalik ng basic public services gaya ng tubig, elektrisidad at serbisyong pangkalusugan.
Ayon kay Ambassador Kim, ang kanilang pagtulong ay pagpapakita ng kanilang suporta sa kaibigang bansa lalo na sa panahon ng pagsubok at krisis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.