Mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz isinailalim na sa witness protection program

Inquirer photo

Ininalagay na ng Department of Justice sa ilalim ng  Witness Protection Program ang mga magulang ni Carl Angelo Arnaiz, ang labingsiyam na taong gulang na napatay ng mga pulis sa Caloocan City  noong August 18.

Ayon kay Justice Usec. Erickson Balmes, isinailalim na sa provisional coverage ng WPP ang mga magulang ni Carl Angelo na sina Carlito at Eva Arnaiz.

Kinakailangan nina Carlito at Eva na magpasa ng Memorandum of Agreement sa DOJ bago bigyan ng actual protection, security at benefits sa ilalim ng Republic Act 6981 o ang Witness Protection Security and Benefit Act.

Kahapon ay matatandaang dumulog na ang mga magulang ni Carl kasama ang mga kinatawan ng Public Attorney’s Office (PAO) upang himingi ng tulong sa DOJ upang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak.

Nakita na lamang ang bangkay ni Arnaiz sa isang morgue sa Caloocan City sampung araw matapos itong mawala nang magpalaam na bibili lamang ng pagkain.

Sinasabing tinorture muna ito bago patayin batay sa isinagawang post-mortem analysis ng PAO.

Ngayong araw inilibing sa Makati City ang mga labi ni Carl.

Read more...