Dagdag na media exposure sa “war on drugs” inihirit ng DDB

By Isa Avendaño-Umali September 05, 2017 - 03:52 PM

Inquirer photo

Pinalagan ni Dangerous Drugs Board o DDB Chief Dionisio Santigo ang mga puna na “anti-poor” ang kampanya laban sa ilegal na droga ng Duterte administration.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Santiago na hindi lamang ang mga mihihirap ang target ng kasalukuyang war against drugs na pinasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maaaring nagkataon lamang aniya na mahihirap ang mga namamatay dahil ang marginalized sector ang puntirya ng ilegal na droga.

Katwiran pa ni Santiago, kulang daw sa media coverage ang war versus drugs ng gobyerno.

Karaniwan aniyang ibinabalita o banner sa media ang patayan, gayung kung tutuusin ay mas kailangan ang media upang ma-educate o mabigyang kaalaman ang mga mamamayan laban sa ipinagbabawal na gamot.

Dagdag ni Santiago, ang media ay “key player” upang mas maintindihan ng publiko na masama ang droga sa mga tao, sa kalusugan at sa buong bansa.

Sa tala na inihayag ni Santiago, aabot sa apat na milyon ang drug addicts sa buong bansa.

Mula naman sa mahigit pitumpung libong anti-drug operations, nasa 107,156 na ang naarestong drug personalities, habang 3,811 na drug suspects na napatay.

TAGS: DDB, Dionisio Santiago, duterte, Malacañang, War on drugs, DDB, Dionisio Santiago, duterte, Malacañang, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.