Misis ng inarestong vice mayor sa Puerto Princesa, sinabing tinaniman ng ebidensya ang kaniyang asawa

By Mariel Cruz September 05, 2017 - 12:32 PM

Iginiit ng asawa ni Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida III na posibleng ‘planted’ o itinamin lang ang sari-saring baril at iligal na droga na natagpuan sa kanilang bahay.

Kasunod ng pagkakaaresto sa kanyang asawa, sinabi ni Monette Marcaida na pinasok ng apat na armadong lalaki ang kanilang bahay bandang 3:30 ng madaling araw ng Lunes bago dumating ang raiding team.

Posible aniyang iniwanan ng nasabing mga armadong lalaki ang nakuhang mga baril at droga sa kanilang bahay ng raiding team.

Ayon kay Monette, nang pasukin sila ng mga armadong lalaki na nakasuot ng bonnet ay inutusan sila na dumapa sa sahig.

Puwersahan aniyang pinasok ng mga hindi nakilalang lalaki ang kanilang bahay at binitbit sila sa ikalawang palapag kung saan sila pinadapa.

Pagkalipas aniya ng ilang minuto ay umalis na ang mga armadong lalaki, sabay dating naman ng raiding team na pinangunahan ni Supt. Enrico Rigor of the Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG).

Itinanggi naman ni Rigor ang mga pahayag ni Monette at sinabing dumating sila sa bahay bandang alas kwatro ng madaling araw para isilbi ang warrant kay Marcaida.

Kung mayroon lamang security camera sa lugar ay makakatulong ito para malaman kung totoo ba o hindi ang alegasyon ng asawa ng bise alkalde.

 

 

 

 

TAGS: drug raid, Palawan, Puerto Princesa, Vice Mayor Luis Marcaida, drug raid, Palawan, Puerto Princesa, Vice Mayor Luis Marcaida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.