Vice Mayor ng Puerto Princesa ipinagharap na ng patung-patong na kaso

By Mariel Cruz September 05, 2017 - 11:50 AM

NQUIRER SOUTHERN LUZON | REDEMPTO ANDA

Naghain ng tatlong criminal complaints ang mga pulis laban kay Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida III matapos maaresto sa isang raid.

Ayon sa ulat, sumailalim na sa inquest proceedings si Marcaida kung saan isinagawa ito sa Puerto Princesa City Prosecutors Office.

Nabatid na kabilang sa mga reklamong inihain laban kay Marcaida ay ang paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, Republic Act 10591 (illegal possession of firearms) at Republic Act 9516 (illegal possession of explosives).

Si Marcaida ay naaresto kasunod ng isinagawang raid sa kanyang bahay sa kahabaan ng Jacana Road sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City umaga ng Lunes.

Nakuha sa bahay ng bise alkalde ay mga matataas na kalibre ng baril, isang fragmentation grenade at tatlumpung sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, itinanggi naman ng tagapagsalita ni Marcaida na si Elmer Zia ang mga alegasyon laban sa opisyal.

Aniya, ang mga nakuhang baril at droga sa bahay ng bise alkalde ay planted o itinanim lamang.

 

 

 

 

 

 

TAGS: drugs, luis marcaida, Palawan, provincial news, PuertoPrincesaCity, shabu, drugs, luis marcaida, Palawan, provincial news, PuertoPrincesaCity, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.