Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 350 kilometers east ng Tuguegarao City.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin ng aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Sa ngayon, tatlong lugar na lang ang nakasailalim sa storm warning signal number 1 kabilang ang Northern Cagayan, Babuyan Group of Island at Batanes.
Ayon sa PAGASA, bukas ng gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Magpapaulan pa rin ito sa northern Luzon, kaya ang mga residente ay pinapayuhang maging alerto sa posibleng flashfloods at landslides.