President Xi Jinping at Premier Li Keqiang ng China, bibisita sa Pilipinas
Plano ni Chinese President Xi Jinping na magtungo sa Pilipinas sa isang kauna-unahan nitong state visit sa bansa sa susunod na taon.
Habang kumpirmado naman nang dadating sa bansa si Chinese Premier Li Keqiang para sa isang official visit at upang dumalo sa ASEAN summit sa Nobyembre.
Ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, si Premier Li ay lalahok sa ASEAN summit meetings at sasabayan na rin ng official visit ang kaniyang unang pagtungo sa Pilipinas bilang isang Chinese premier.
Sa susunod na taon naman bagaman wala pang eksaktong petsa ay paplanuhin ang pagtungo sa bansa ni President Xi.
Sinabi ni Zhao na dalawang beses nang nakabisita sa China si Pangulong Rodrigo Duterte kaya panahon na upang si Xi naman ang magtungo sa Pilipinas.
Samantala sinabi ni Zhao na walang dapat na ipag-alala kaugnay sa napabalita na pagtatalaga ng Chinese Navy at Coast Guiard ships sa Sandy Cay na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippines Sea,
Sinabi ni Zhao na naresolba na ang nasabing usapin sa pamamagitan ng diplomatic channels.
Dagdag pa ni Zhao, mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Duterte ay naging maayos ang relasyon ng China at Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.