MNLF founding chairman Nur Misuari, ipina-aaresto ng Sandiganbayan sa kasong graft at malversation
Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay dating MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan 3rd division, iniutos din nito ang pagsasagawa ng paglilitis laban kay Misuari sa kasong graft at malversation.
Ito ay kaugnay sa maanumalyang pagbili ng ARMM government ng mga education material na nagkakahalaga ng P115 million.
Naganap ang paggastos ng nasabing halaga taong 2000 at 2001 kung kailan si Misuari ang nakaupo bilang ARMM governor.
Nakasaad sa resolusyon na nakitaan ng probable cause para litisin si Misuari at iba pang mga dating opisyal ng ARMM sa nasabing mga kaso.
Kasama din sa ipinaaresto sina Leovigilda Chinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa P. Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan, Cristeta Ramirez at Lolita Sambeli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.