Flood advisory, inilabas ng PAGASA sa Cagayan River Basin
Nagpalabas ng flood advisory ang PAGASA sa mga lugar sa palibot ng Cagayan River Basin.
Ayon sa PAGASA, sa nakalipas na 24-oras, light hanggang moderate na pag-ulan ang nararanasan sa Cagayan.
Dahil dito, maari umanong magkaroon ng pagtaas ng water level sa mga sumusunod na ilog:
– Magat river
– Siffu river
– Mallig river
– Pinacanauan rivers ng Ilagan, Tumauini, San pablo at Tuguegarao
– Pared river
– Dummun river
– Zinundungan river
– Chico river
– Abulug river
– Baua river
Sa ngayon sinabi ng PAGASA na mababa pa ang antas ng tubig sa nabanggit na mga ilog.
Pero aasahan umano na magpapatuloy ang light to moderate rains sa lalawigan ngayong maghapon.
Pinapayuhan ang mga residente nan a maging alerto sa posibilidad na pagkakaroon ng flash floods.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.