WATCH: Pamamaril sa isang lalaki sa Tondo, Maynila, sapul sa CCTV

Sapul sa CCTV ang pamamaril sa isang lalaki sa kanto ng G. Perfecto at Hammabar St., Brgy. 52, Tondo, Maynila.

Kritikal ang kundisyon ng biktimang si Rodel Noble habang sugatan naman ang isang alyas ‘Manny’ matapos tamaan ng ligaw na bala.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy. 50, makikitang nakatayo si Noble sa kalsada nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspect.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg at likod si Noble, habang tinamaan naman ng bala sa likuran si alyas ‘Manny’.

Dinala sa magkahiwalay na ospital ang mga biktima upang lapatan ng lunas.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

 

 

 

Read more...