Lalaki, patay matapos mahulog sa sinasakyang container van sa Paco, Maynila

By Cyrille Cupino September 05, 2017 - 06:58 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos mahulog mula sa sinasakyang container van sa Cristobal St., Paco, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Carlito De Lima, nagta-trabaho bilang ‘rigger’ o taga-kamada ng mga container van.

Ayon sa kwento ng isang kasamahan ng biktima, kadalasang sumasakay ang ‘rigger’ sa ibabaw ng mga container van kapag isinasalansan na ito sa imbakan.

Sila umano ang nagkakabit at nagtatanggal ng hook sa gilid ng mga container van.

Bumigay at naputol umano ang boom ng crane na humahawak sa container dahilan para mahulog rin si De Lima sa hindi bababa sa 50 talampakan ang taas.

Aminado naman ang management ng container yard na wala silang ‘safety net’ o anumang gamit para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, containervan, manila, metronews, paco, radyoinquirer, accident, containervan, manila, metronews, paco, radyoinquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.