Pari na nagtangkang ipasok sa motel ang isang 13-anyos, may bagong kaso

By Khyz Soberano September 05, 2017 - 04:20 AM

Sinampahan ng panibagong kasong paglabag sa Qualified Trafficking in Persons Act sa Department of Justice ang pari na si Monsignor Arnel Lagarejos na nagtangka umanong magpasok sa motel sa isang labintatlong taong gulang na dalagita kamakailan.

Kasama si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta at ang Volunteers Against Crime and Corruption ay personal na pinanumpaan ng biktima na may alyas Ana at kanyang ina ang reklamo sa harap ni Assistant State Prosecutor Romeo Galvez.

Bukod kay Monsignor Lagarejos ay sinampahan din ng reklamo ang apat pa umanong bugaw.

Ayon sa imbestigasyon ng PAO, dalawang beses na umanong nai-book ni Lagarejos ang dalagita bago pa ito maaresto sa isang motel kung saan niya ito idinala.

Dagdag pa sa ebidensyang susuporta sa kaso ay ang mga nakuhang cellphone at Facebook messages mula sa biktima.

Nauna ng naghain ng reklamo ang PAO ng parehong kaso sa regional trial court ng Marikina ngunit nakapagpyansa rin agad ang pari.

Humiling na rin ang PAO sa DOJ na isailalim sa witness protection program ang biktima at pamilya nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.