Mga pulis na sangkot sa Kian slay case sinampahan ng patung-patong na reklamo sa Ombudsman

By Rod Lagusad September 05, 2017 - 04:23 AM

 

Sinampahan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng mga kaso sa Ombudsman ang mga pulis na isinasangkot sa pagkamatay ng 17-taong gulang na estudyante na si Kian delos Santos.

Naghain ng kasong murder, violation of domicile, planting of evidence at paglabag sa Juvenile Justice and Welfare Act ang IBP laban sa nagsagawa ng operasyon na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremiah Pereda, PO1 Jerwin Cruz kasama sina dating Police Community Precinct 7 head Chief Inspector Amor Cerillo at isang Nono Lubiran sa siyang sinasabing nagturo kay Kian na isa itong pusher.

Bukod dito ay nahaharap din ang mga ito sa mga kasong administratibo, grave misconduct at gross neglect of duty kung saan damay sina dating Northern Police District head Chief Superintendent Roberto Fajardo, dating Caloocan City Police chief Senior Superintendent Chito Bersaluna na nasibak dahil sa nasabing insidente.

Ito ang kauna-unahang kaso na isinampa sa Ombudsman kaugnay ng kaso ni Kian kasabay ng fact finding mission ng ahensya.

Tumatayong complainant sa kaso si IBP Pres. Abdiel Dan Fajardo na siyang nagsisilbing legal cousel ng tatlong saksi sa naturang insidente.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.