DND: Pamamahagi ng mga lupain sa mga kampo ng militar pinag-aaralan na

By Chona Yu September 04, 2017 - 04:59 PM

Pinag-aaralan ng Department of National Defense (DND) ang panukalang ipamahagi ang mga lupain na sakop ng military reservation sa Marawi City.

Ipinanukala ni dating Vice President Jejomar Binay sa DND ang petisyon mula sa mga residente ng lungsod na tulungan silang mailipat sa kanilang pangalan ang mga lupang kanilang tinitirahan na bahagi ng military reservation.

Ang naturang panukala ay natanggap ni Binay nang siya pa ang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinationg Council.

Aniya, hindi natugunan ang kahilingang ito dahil sa pagbabago sa administrasyon.

Ayon kay DND Secretary Delfin Lorenzana, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa mga lokal na pamahalaan at mga residente sa ilang mga lugar na may kampo ang militar.

Naniniwala si Lorenzana na makatutulong ito sa mga residente ng Marawi City na makarekober sa krisis.

Posible rin aniya na sa hakbang na ito, maalis ang posibleng pagmulan ng kaguluhan sa lugar.

Lumikas sa kani-kanilang tirahan ang daan-daang libong residente ng Marawi City at mga kalapit-lugar bunsod ng giyera na sumiklab sa lungsod tatlong buwan na ang nakalilipas.

Batay sa isang presidential decree noong 1953, aabot sa 6,000 ektarya ng Marawi City ay bahagi ng military reservation.

TAGS: binay, DND, hudcc, military reservation, binay, DND, hudcc, military reservation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.