NBI iimbestigahan na rin ang kaso ng pagpatay kay Carl Arnaiz

By krizha Soberano September 04, 2017 - 04:08 PM

Inquirer file photo

Inutusan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pagkamatay ng 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz noong August 18.

Sa department order na inilabas ni Aguirre, inatasan niya ang NBI na magsagawa ng case build-up upang makapagsampa ng kaukulang kaso sakaling may sapat na ebidensya.

Napatay si Arnaiz sa isang police operation sa Caloocan City matapos umanong mangholdap ng isang taxi driver ang binate noong August 18 ng madaling-araw.

Nauna nang sinabi ng mga pulis na nakuha mula kay Arnaiz ang ilang gramo ng marijuana at tatlong pakete ng shabu.

Nakita na lamang ang bangkay ni Arnaiz sa isang morgue sa Caloocan City sampung araw matapos itong mawala nang magpalaam na bibili lamang ng pagkain.

Batay sa post-mortem analysis ng Public Attorney’s Office, nakitaan ito ng indikasyon na tinorture muna si Arnaiz bago pinatay.

Taliwas ito sa naging pahayag ng pamunuan ng Caloocan City PNP na napatay sa isang barilan ang biktima.

Nawawala pa rin hanggang sa ngayon ang kasama ni Arnaiz na si Reynaldo de Guzman.

TAGS: caloocan pnp, carl arnaiz, DOJ, NBI, shabu, caloocan pnp, carl arnaiz, DOJ, NBI, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.