Aabot sa limang libo at limandaang Syrian refugees mula Hungary ang dumating sa Nickelsdorf, Austria.
Dumating ang mga refugees na nanginginig sa lamig dahil sa ulan matapos ang ilang araw na paglalayag sa dagat.
Karga ang mga bata, mainit at sabik na sinalubong ng mga residente ng Austria ang mga refugees sa border ng Nickelsdorf.
Agad naman na binigyan ng medical supplies , pagkain, inumin at mga kumot ang mga nilalamig na refugees.
Ayon kay Deputy Chief of Burgenland State Police Werner Fasching, aabot sa sampung libong migrants ang kanilang inaasahang darating sa Austria.
Matatandaang libu-libong residente ng Syria ang umalis sa kanilang bansa dahil sa giyera.
MOST READ
LATEST STORIES