Nakabalik na ng bansa si Pangulong Noynoy Aquino mula sa 4-day state visit nito sa bansang Japan.
Sa kaniyang arrival speech sinabi ni PNoy na may 11 kumpanya mula sa Japan ang lumagda sa letter of intent para sa pagbububukas at pagpapalawak ng negosyo sa Pilipinas.
Aabot aniya sa P13.5 bilyon ang halaga ng mga invesatments na dala ng labing-isang kumpanya.
“Labing-isang kumpanyang Hapon ang pumirma ng letter of intent na magbukas at magpalawak ng negosyo sa ating bansa. Malinaw na lumalawak ang pagkilala ng mundo sa talento ng mga Pilipino,” sinabi ni PNoy
Bukod pa aniya ang labing-isang kumpanyang ito sa maraming iba pang kumpanya na nakausap ni PNoy sa Japan at nagpakita ng interest na magpasok ng puhunan sa bansa.
Maliban dito, sinabi ni PNoy na nangako din si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na magbibigay ng concessional loan sa Pilipinas para mapondohan ang tatlong malalaking infrastructure projects sa bansa.
Nagkahalaga ng P136.9 bilyon ang nasabing loan na ipagkakaloob ng Japan sa Pilipinas.
Sari-saring kasunduan din aniy nilagdaan ni PNoy habang nasa Japan kabilang na ang mga kasunduan na may kaugnayan sa kalusugan at maritime safety./Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.