Kinumpirma ni Senador Richard Gordon na tuloy ang pagsasampa niya ng reklamo laban kay Senador Antonio Trillanes sa Ethics Committee ng Senado.
Ayon kay Gordon, ibabatay ang kanyang reklamo sa masama at nakakasirang lenggwahe laban sa kanya ni Trillanes.
Binigyang-diin ni Gordon na hindi gawain ng isang senador at labag sa code of ethics ang mga pahayag na nag-aabugado siya at si Sen. Tito Sotto pabor sa pamilya Duterte.
Ipinaliwanag rin ng mambabatas na mali ang pagtawag ni Trillanes na nagiging komite-de-abswelto na ang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Gordon.
Giit ng Senador, hindi lang sa Senado kundi sa anumang public institution ay mahigpit na ipinagbabawal ang acts o language na nakaka-offend o maituturing na unparliamentary.
Kaugnay nito, magsasagawa ngayon ng caucus ang mayorya ng Senado at kabilang sa talakayin ang ihahaing ethics complaint ni Gordon.