Abdullah Maute patay na, pero ang kapatid na si Omar buhay pa ayon sa AFP

By Chona Yu September 04, 2017 - 03:03 PM

Inquirer file photo

Napatay na ng militar ang isa sa tatlong lider ng terorista na pasimuno ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.

Sinabi ni Lt. Gen. Carlito Galvez, pinuno ng Western Mindanao Command (Westmincom) na base sa kanilang nakuhang intelligence report ay napatay na si Abdullah Maute.

Napatay aniya si Abdullah dahil sa ikinasang serye ng airstrikes ng militar sa pagitan ng August 14 hanggang 26.

Gayunman ay sinabi ni Galvez na makukumpirma lamang nila ito kung makikita nila ang bangkay ni Abdullah para isailalim sa DNA testing.

Ang kapatid naman ni Abdullah na si Omar na napabalitaang napatay na noon ay buhay pa anya batay sa kanilang pinakabagong hawak na impormasyon.

Sinabi naman ni Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa na hindi pa nila makumpirma na napatay na si Abdullah.

Ayon kay dela Rosa, hangga’t walang narerekober na bangkay ay hindi nila makukumpirma na napatay na ang terorista.

TAGS: abdullah, AFP, Marawi City, Maute, Omar, Westmincom, abdullah, AFP, Marawi City, Maute, Omar, Westmincom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.