Ang suspek na si Ruben Bautista, kasama ang isa pa na si Glenn More Gaddi ay dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Manila International Airport Authority (MIAA) matapos makuhanan ng P24 milyon halaga ng gamot na ginagamit sa abortion.
Ayon sa mga otoridad, natuklasan sa bagahe nina Bautista at Gaddi ang mga gamot para sa ulcer pero ginagamit din na pampalaglag nang dumaan ito sa x-ray nang sila ay dumating sa bansa galing sa Singapore.
Agad dinala sa Pasay City Prosecutors’ Office ang dalawa para maisailalim sa inquest proceedings.
Kasong may kaugnayan sa smuggling ang isasampa laban sa kanila.