IAS at CIDG, pasok na rin sa imbestigasyon sa pagpatay sa 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz
Iimbestigahan ng Internal Affairs Service at Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang pagkakapatay sa 19-year-old na si Carl Angelo Arnaiz ng mga pulis sa Caloocan City.
Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, sa pagsasagawa ng imbestigasyon ay maaaring mabunyag kung may pang-aabuso ang mga pulis sa pagpatay sa menor de edad.
Nakipag-ugnayan na aniya sila sa CIDG at IAS ukol sa gagawing imbestigasyon.
Kinumpirma din ni Albayalde na ni-relieve na sina Police Officer 1 Jeffrey Perez at Police Offcer 1 Ricky Arquilita, ang mga pulis na bumaril kay Arnaiz, sa kanilang mga puwesto.
Una nang sinabi nina Perez at Alquilita na napilitan silang barilin si Arnaiz matapos manlaban sa maunang magpaputok ng baril nang lapitan nila dahil sa panghoholdap sa isang taxi driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.