Comelec Commissioner Christian Lim, inireklamo ng graft sa Ombudsman
Sinampahan ng reklamong graft sa Office of the Ombudsman si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Christian Lim.
Si dating Biliran Congressman Glenn Chong ang complainant sa nasabing reklamo.
Batay sa mahigit 60-pahinang reklamo ni Chong, sinabi sa nito sa Ombudsman na dapat ma-impeach sa pwesto bilang commissioner ng Comelec si Lim.
Aniya, minamanipula ni Lim ang ibang Comelec Commissioners para mapatalsik sa pwesto si Comelec Chairman Andres Bautista
Kapag naisakatuparan kasi umano ang pagpapaalis kay Bautista sa pwesto, ay makukuha ni Lim ang iiwang posisyon nito.
Idinidiin rin ni Chong si Lim na nagkaroon umano ng private deal sa Smartmatic na labag sa batas dahil hindi ito dumaan sa public bidding.
Pagigiit ni Chong, betrayal of public trust ang ginawa ng Comelec commissioner sa refurbishment ng PCOS machines.
Kasama na nagsampa ng reklamo ni Chong si Dating Negros Oriental Cong. Jing Paras at Atty. Manny Luna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.