WATCH: Isang sasakyan, nagliyab sa Commonwealth Avenue sa QC

By Mark Gene Makalalad September 04, 2017 - 09:36 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Tinupok ng apoy ang isang kulay itim na Chrysler Wagon na may plakang JND 88 sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue, Old Balara sa Quezon City.

Ayon sa driver na si Romy Baldivicio, patungo sana siya sa Fairview nang senyasan siya ng mga motor rider sa kanyang likuran na umuusok ang kaniyang minamanehong sasakyan.

Agad niya itong itinabi, at lumabas sa kotse, at nakita niya na may nags-spark nga sa ilalim hanggang sa tuluyan nang magliyab ang apoy at matupok ang kotse

Nangyari ang insidente pasado alas 7:00 ng umaga.

Nakaresponde naman ang mga bumbero mula hanay ng Quezon City Bureau of Fire Protection at agad na naapula ang apoy.

Gayunman, tupok na tupok na ang loob ng sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon posibleng electrical ang pinagmulan ng apoy.

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang insidente pero humupa naman agad makaraang maitabi ang nasunog na sasakyan.

TAGS: commonwealth avenue, fire incident, quezon city, commonwealth avenue, fire incident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.