Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine Drug Enforcement group ng Philippine National Police (PNP) ang bahay ni Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida III.
Bitbit ng mga otoridad ang search warrant na inilabas ng korte mula sa Maynila nang halughugin nila ang bahay ng vice mayor Lunes ng umaga.
Kabilang sa mga nasabat ng mga otoridad mula sa bahay ni Marcaida ang 30 sachet ng hinihinalang shabu, rifle grenades, fragmented grenates at mga baril.
Ang raiding team ay pinamunuan ni P/Supt. Enrico Rigoros.
Isisilbi lang sana ang search warrant sa bahay ng bise alkalde, pero dahil may mga nasabat na shabu, inaresto na ng mga otoridad si Marcaida.
Natagpuan ang mga shabu sa likuran ng isang portrait na nakasabit sa loob ng bahay ng opisyal.
Nakatakda itong sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165.