WATCH: Mahigit 100 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City

By Cyrille Cupino September 04, 2017 - 08:14 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Block 37, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall C/Insp. Roberto Samillano Jr., nagsimula ang sunog ganap na ala-una y medya ng madaling araw sa bahay na pag-aari ng isang Jaime Ignacio at inuupahan ng isang ‘Joy’.

Sinasabing ginagawang imbakan ng mga junk materials ang nasabing bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga dikit-dikit na kabahayan na pawang gawa sa light materials dahilan para kaagad itaas ang alarma ng sunog sa 3rd alarm.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa 60 kabahayan ang natupok, o aabot sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:


 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay Addition HIlls, fire incident, Mandaluyong City, Radyo Inquirer, Barangay Addition HIlls, fire incident, Mandaluyong City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.