Mas mabagal na internet nararanasan sa bansa, maaaring tumagal pa ng ilang linggo

By Rhommel Balasbas September 04, 2017 - 03:54 AM

Ibinabala ng dalawang Internet Service Providers (ISP) sa bansa na magiging mabagal ang serbisyo ng internet nila sa kanilang mga customers.

Ito ay dahil sa pagkasira ng undersea cable systems ng mga ISP na nakakonekta sa HongKong dahil sa katatapos lamang na pagbayo ng bagyo.

Apektado ng pinsala na ito ang iba’t ibang bansa sa South East Asia kabilang ang Pilipinas.

Sa pahayag na ipinost ng giant telco na ‘PLDT’ sa kanilang official page, sinabi nitong isa ang kumpanya sa mga ISP sa bansa na apektado ng pagkasira ng undersea cable links.

Dahil dito, asahan daw ang mas mabagal na speed ng internet connection na maaaring tumagal pa ng tatlong linggo habang sinasagawa ang repairs.

Samantala, sa statement naman ng Converge ICT Solutions na ipinost din sa Facebook, sinabi ng kumpanya na 3 sa kanilang international submarine cables ang apektado ng insidente.

Masaya namang ibinahagi ng Globe Telecom sa bukod na statement na hindi apektado ang telco sa pagkasira ng submarine cables.

Nangako naman ang mga ISP na habang nagsasagawa ng repair works ay gagawa ng mga aksyon para bigyan ng mas magandang internet service ang kanilang customers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.