DOH, sinigurong wala pang taong nahahawaan ng bird flu

By Kabie Aenlle September 04, 2017 - 03:36 AM

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sa ngayon ay wala pa rin silang namomonitor na pagsalin ng avian o bird flu sa tao.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, natapos na ang huling araw ng kanilang surveillance o pagbabantay sa mga taong nagkaroon ng direct contact sa mga ibon na naimpeksyon sa San Luis, Pampanga, pati na sa Jaen at San Isidro, Nueva Ecija.

Matatandaang nakumpirma ng DOH na H5N6 ang strain ng bird flu na tumama sa mga manok at bibe sa mga nasabing lugar, na ibig sabihin ay maaari itong maipasa sa mga tao.

Gayunman, mababa naman an mortality rate nito para sa mga tao.

Samantala, nasa kamay naman aniya ng Department of Agrictulture ang responsibilidad ng pagdedeklara kung bird flu-free na ba ang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.