Palasyo, umapela sa publiko na irespeto ang hindi paglipat kay Espenido
Hinimok ng Palasyo ang publiko na igalang ang desisyon ng Philippine National Police (PNP) na hindi ituloy ang paglipat kay Chief Insp. Jovie Espenido sa Iloilo City.
Sa isang pahayag, sinabi ni presidential spokesperson Ernesto Abella na ginawa ng PNP ang desisyon alinsunod sa mga polisiya kaugnay ng reassignment o paglilipat sa kanilang mga tauhan.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na idedestino niya si Espenido sa Iloilo City na tinawag niyang “drug bedrock of Visayas.”
Gayunman, dahil sa mga dapat sunding alituntunin tungkol sa paglilipat ng tauhan, napagpasyahan ng PNP na panatilihin na lang muna si Espenido sa Ozamiz City.
Ito’y sa kabila pa ng pag-anunsyo ng PNP Western Visayas na kumpirmado na ang paglipat sa kanila ni Espenido.
Pero ngayon ay kinumpirma naman ni Western Visayas police director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag na mananatili sa Northern Mindanao Police Regional Office si Espenido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.