North Korea, naglunsad ng ika-anim na nuclear test na nagresulta sa isang malakas na lindol

By Mariel Cruz September 03, 2017 - 06:45 PM

Photo Credit: missilethreat.csis.org

Niyanig ng isang 5.6 magnitude na lindol ang probinsya ng Hamgyeong sa North Korea.

Ang naturang lindol ay dahil sa paglulunsad ng NoKor ng kanilang ika-anim na nuclear test kung saan ang device na ginamit ay isang hydrogen bomb o h-bomb.

Sinasabing maaaring gawing bala sa intercontinental ballistic missile ang hydrogen bomb.

Samantala, ayon sa datos ng earthquake administration ng China, nasa magnitude 6.3 ang naturang lindol na may lalim na zero kilometers.

Ayon sa Korean Central News Agency, posibleng mas malaki ang idudulot na pinsala ng naturang bomba.

Sinasabing mismong si North Korean leader Kim Jong-un ang nag-inspeksyong ng hydrogen bomb sa Nuclear Weapons Institute.

Ayon kay Kim, ang nasabing h-bomb ay isang thermonuclear weapon na mayroong malakas na explosive power.

Lahat aniya ng components ng h-bomb ay isang daang porsyentong ginawa sa loob ng North Korea.

Matatandaang nauna nang nagbanta ang NoKor na magpapakawala ito ng mga rocket patungong Guam, at noong nakaraang linggo naman ay naglunsad ng isang ballistic missile ang bansa na lumipad sa airspace ng Japan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.