Isnilon Hapilon, hindi pa nakakalabas ng Marawi ayon sa Palasyo

Kinumpirma ng Malacañang na nasa loob pa ng Marawi City ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Ito ay sa kabila ng mga lumabas na ulat na namataan ang terorista sa Basilan.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, lumabas sa military assessments na hindi pa nakakalabas ng Marawi si Hapilon.

Dahil dito, gagawin aniya ng tropa ng pamahalaan ang lahat para madakip si Hapilon sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Abella na kailangan pang i-validate ang ulat na wala na sa Marawi at nasa Basilan na si Hapilon.

Sa ngayon aniya ay itinuturing pa ng gobyerno ang naturang ulat bilang “raw information”.

Sakali man aniya na totoo ang balita na nasa Basilan na si Hapilon, nangangahulugan lamang ito na inabandona na ng lider ang kanyang mga tauhan na nakikipagbakbakan sa Marawi.

Napabalitang tinutulungan ni Hapilon at ng kanyang mga tauhan mula sa Abu Sayyaf group ang teroristang Maute sa pakikipagsagupa sa tropa ng pamahalaan sa Marawi.

Read more...