Tatlong sundalo patay, 52 sugatan sa pagsabog ng IED sa Marawi City

FILE PHOTO

Patay ang tatlong sundalo sa pagsabog nang Improvised Explosive Device o IED sa Marawi City.

Naganap ang insidente habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga kawal sa loob ng battle zone sa bisperas ng Eid’l Adha.

Maliban sa tatlong nasawi ay sugatan din ang limamput’dawalang iba pa sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng mga teroristang Maute Group at Tropa ng pamahalaan.

Una nang inamin ng Armed Forces of the Philippines na nahihirapan sila sa pagsasagawa ng clearing operation sa war zone dahil sa mga IED na nakatanim.

Batay sa pinakahuling datus ng militar, humigit-kumulang 800 na ang napapatay sa mahigit tatlong buwan nang giyera sa Marawi City.

Read more...