Forced evacuation, ipatutupad sa Frankfurt makaraang madiskubre ang World War II bomb

By Mariel Cruz September 03, 2017 - 03:02 PM

AP PHOTO

Ipatutupad ang forced evacuation sa hindi bababa sa animnapung libo katao sa central Frankfurt sa pagsisimula ng Germany sa pag-defuse sa isang hindi sumabog na malaking bomba noon pang World War II na tinaguriang “blockbuster”.

Ayon kay Frankfurt security chief Markus Frank, ito na ang pinakamalaking evacuation na ipatutupad sa Germany.

Nadiskubre ang 1.8 tonne British bomb noong nakaraang Martes habang nagsasagawa ng building works.

At simula noon, mahigpit nang binabantayan ng mga pulis ang bomb site, na malapit sa City Center at nasa 2.5 kilometro ang layo mula sa main Zeil shopping area.

Ayon pa kay Frank, lahat ng mga bahay at gusali na nasa loob ng 1/5 kilometer radius ng bomb site ay nakatakdang isailalim sa clearing operations.

Binanggit din ni Frank na dalawang major hospitals ang nasa loob ng evacuation zone, kabilang na ang isa na may malaking ward ng mga bagong silang na sanggol.

Dahil dito, sinimulan na ang paglilipat sa mga pasyente at sanggol sa ibang medical center.

Ang naturang bomba na isang HC 4000, ay nabatid na may high capacity explosives at ginamit sa air raids ng Royal Air Force ng Britain noong World War II.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.