Command Center sa BOC, binuwag na

By Angellic Jordan September 03, 2017 - 01:20 PM

Ipinag-utos na ni bagong talagang Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña ang abolisyon ng Command Center (ComCen) na nagbibigay ng alerto kaugnay sa mga kargamento sa ahensiya,

Ito ay matapos kuwestiyunin ng mga mambabatas ang ahensiya sa ilalim ng pamumuno ni dating Commissioner Nicanor Faledon anfmg kapangyarihan ang ComCen na mag-abiso sa mga kargamentong papasok ng bansa.

Sa isang text message, kinumpirma ni BOC Legal Division chief Alvin Ebreo ang pormal na abolisyon nito noong Huwebes, August 31.

Layunin ni Lapeña na ayusin ang aheniya at ibalik ang kapangyarihan ng mga district collectors batay na rin sa probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act.

Maliban dito, matatandaang noong September 7, 2016, inisyu ni Faeldon ang Customs Memorandum Order No. 23-2016 kung saan tinanggalan ng kapangyarihang mag-abiso ang mga pinuno ng Intelligence Group (IG), Enforcement Group (EG), deputy commissioner for Assessment and Operations Coordinationg Group at lahat ng district collectors.

Samantala, base sa top posts ng ahensiya, ipinag-utos rin ni Lapeña sa legal division na suriin kung may legal basis ang panatilihin ang Com Cen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.