Duterte, nakausap si Gov. Imee Marcos ukol sa pagsasauli ng ill gotten wealth

By Mariel Cruz September 03, 2017 - 01:17 PM

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakausap niya si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ukol sa isang kasunduan sa pagsasauli ng ill gotten wealth ng mga Marcos sa gobyerno.

Ayon sa pangulo, nag-alok ang pamilya Marcos na isasauli nila ang kanilang tagong yaman.

Hindi naman aniya natalakay kung ang halaga ng isasauli na yaman ng mga Marcos.

Pero sinabi ni Duterte na bukas siya sa alok ng mga Marcos para tuluyan nang maayos ang naturang isyu.

Una nang sinabi ng pangulo na handa ang pamilya Marcos na isauli ang pera pati ang gold bars sa pamahalaan.

Pero naging tikom ang bibig ni Gov. Imee, at sinabing ang kanilang abogado na ang bahala sa naturang isyu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.