2 bata, patay sa sunog sa Quezon

FILE PHOTO

Patay ang dalawang batang lalaki matapos tupukin ng apoy ng kanilang bahay sa bayan ng Dolores sa Quezon, gabi ng Sabado.

Ayon sa report ng Quezon police office, nakilala ang mga biktima na sina Joshua Plata, 7 yrs old at kapatid na si Dave, 5 yrs old.

Nabatid na nasunog ang “sawali” hut ng mga biktima sa Barangay Bulakin 2 bandang 10:45 ng gabi.

Ayon sa kuya ng mga biktima na si Christian Plata, natutulog ang kanyang mga kapatid nang sumiklab ang sunog na agad na kumalat sa buong bahay.

Nagawa niya aniyang makatakas at makahingi ng tulong pero pagbalik niya, natagpuan nang patay matapos masunog ang kanyang dalawang nakababatang kapatid.

Nagtamo naman ng burn injuries si Christian at dinala na sa isang ospital para lapatan ng lunas.

Batay sa ulat, posibleng ang naiwan na nakasinding kandila ang naging sanhi ng sunog.

Read more...