Committee report sa P6.4-B shabu shipment, handa nang ilabas ni Gordon

By Mariel Cruz September 03, 2017 - 10:44 AM

Handa nang ilabas ni Sen. Richard Gordon ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Senado ukol sa P6.4 billion shabu shipment mula China na nakalusot sa Bureau of Customs.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, maaari na niyang ilabas bukas, araw ng Lunes, ang committee report matapos ang ilang linggong pagdinig.

Sa nasabing report, sinabi ni Gordon na makikilala na ang salarin sa nasabing illegal shipment, at posibleng magrekomenda na ng mga kasong isasampa laban sa kanila.

Una nang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa mga hayagang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte, na pipigilan niya ang committee report ni Gordon kung lalabas na abswelto ang anak at manugang ng presidente sa shabu smuggling sa BOC.

Sinabi naman ni Gordon na ang nasabing reaksyon ni Trillanes ay nagpapakita lang kung gaano ka-biased at walang respeto ang senador.

Nasangkot ang pangalan ng anak at manugang ni Pangulong Duterte sa kontrobersya sa BOC matapos idawit ng Customs Broker na si Mark Taguba, na siya umanong nangasiwa sa pagkakapuslit ng iligal na droga sa bansa.Posibleng lumabas sa committee report kung sino ang mga salarin sa P6.4-B shabu shipment sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.