Ardot Parojinog, posibleng nasa bansa pa ayon sa Bureau of Immigration

By Mariel Cruz September 03, 2017 - 10:42 AM

Reynaldo Parojinog Sr. | Inquirer FILE photo

Kinumpirma ng Bureau of Immigation na wala pang record si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, na nakalabas na ng bansa.

Si Ardot Parojinog ang kapatid ng napatay na alkalde ng Ozamiz City na si Reynaldo Parojinog Sr.

Ayon kay Immigration spokesperson Antonette Mangrobang, batay sa kanilang record, ang huling arrival sa bansa ng pangalan na ‘Ricardo Parojinog’ ay noong November 4, 2015.

Nagmula aniya ang nasabing pangalan sa Beijing, China.

Pagkukumpirma ni Mangrobang, wala pang departure record si Ricardo Parojinog sa Bureau of Immigration.

Matatandaang noong Biyernes, nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P5 milyong pabuya para sa ikadarakip ni Parojinog na nananatiling at-large matapos ang isinagawang raid sa kanyang bahay sa Ozamiz.

Una nang idinawit ang pamilya Parojinog sa illegal drug trade at iba pang iligal na aktibidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.