Pangulong Duterte, tinawag na “political ISIS” si Senador Trillanes
“Si Trillanes iyong political ISIS. Walang alam, basta gusto lang bira nang bira. Akala niya tama siya. Ang nakakatawa dyan, when he talks, it’s as if talagang alam niya ang batas”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ambush interview ng mga reporters sa pagdaraos ng kaarawan ni Davao City First District Representative Karlo Nograles sa Bago Aplaya, Davao City.
Ipinahayag ito ng pangulo matapos sabihin ni Senador Antonio Trillanes na kailangang sumagot nina Vice Mayor Paolo Duterte at Manses Carpio dahil sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa 6.4 bilyong pisong shabu shipment na nakapuslit ng Bureau of Customs.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinabihan niya ang anak na si Paolo na dumalo sa Senate hearing. Ngunit aniya, sinabihan niya ang anak na pagdating sa inquiry ay sabihin nito kay Trillanes na mag-i-invoke siya ng kanyang right to silence dahil bago pa man nahalal ang pangulo ay lagi nang nagpapatutsada sa kanila ang senador.
Dagdag pa ng pangulo, hindi makatwiran na ipagpilitan ni Trillanes kay Senador Richard Gordon ang isang bagay na hindi umano legally possible.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.