Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, aabot na sa mahigit 14,000 backlog cases ang kailagang harapin ng kagawaran.
Mas mataas anya ang bilang na ito kumpara sa dinatnan niya nang maupo sa posisyon noong 2016.
Noong Hunyo ng nakaraang taon, aabot lamang sa 10,000 ang backlog cases at nangangailangan lamang ang DOJ ng 509 prosecutors.
Sinisisi naman ni Aguirre ang nagdaang administrasyong Aquino dahil sa mabagal na proseso ng appointment papers na nagresulta sa paglobo ng vacancies at backlog ng mga kaso.
MOST READ
LATEST STORIES