Mahigit 1,000 prosecutors, kailangan ng DOJ

By Rhommel Balasbas September 03, 2017 - 04:44 AM

Dahil sa patuloy na pagtaas ng backlog ng mga kaso, nangangailangan ang Department of Justice ng karagdagang 1,000 prosecutors.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, aabot na sa mahigit 14,000 backlog cases ang kailagang harapin ng kagawaran.

Mas mataas anya ang bilang na ito kumpara sa dinatnan niya nang maupo sa posisyon noong 2016.

Noong Hunyo ng nakaraang taon, aabot lamang sa 10,000 ang backlog cases at nangangailangan lamang ang DOJ ng 509 prosecutors.

Sinisisi naman ni Aguirre ang nagdaang administrasyong Aquino dahil sa mabagal na proseso ng appointment papers na nagresulta sa paglobo ng vacancies at backlog ng mga kaso.

TAGS: Backlog Cases, department of justice, DOJ, DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, Backlog Cases, department of justice, DOJ, DOJ Sec. Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.