Trump, bumisita sa mga biktima ng Hurricane Harvey sa Texas at Louisiana
Muling bumisita si US President Donald Trump kasama ang asawang si Melania sa mga lugar na binayo ng Hurricane Harvey.
Noong Martes, nauna nang binisita ni Trump ang survivors sa Corpus Christi at Austin Texas ngunit hindi niya nakadaupang palad ang mga ito.
Sa pagbisita ni Trump sa Houston, Texas, inilaan nito ang oras sa NRG Center, ang lugar kung saan nakalagi ang mga bata at masayang nakipagkwentuhan sa mga ito.
Tumulong din si Trump at Melania sa pamamahagi ng lunch packs sa mga biktima.
Ayon kay Trump, sa kabila ng pagkasirang dulot ng bagyo, nakitaan niya ng labis na pagmamahal at kasiyahan ang mga survivors.
Binati naman ni Trump ang mga opisyal ng federal state at lokal na pamahalaan kabilang ang gobernador ng Texas dahil sa anya’y magaling na koordinasyon ng mga ito sa kasagsagan ng pagbayo ng bagyo.
Samantala, humihiling naman si Trump sa US Congress ng 7.9 billion dollars emergency aid para sa isasagawang recovery efforts ng pamahalaan,
Nauna na ngang ipinahayag ng pangulo na magbibigay siya ng 1 milyong dolyar mula sa sarili niyang bulsa para sa mga biktima ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.