Isang mandurukot, arestado sa Makati City

Arestado ang isang lalaki na napag-alamang isang mandurukot sa lungsod ng Makati.

Kinilala ang suspek na si Michael Lapus, tatlumput limang taong gulang.

Nahuli si Lapus matapos mayroong makakita dito sa aktong nandurukot ng cellphone ng isang pasahero ng bus.

Matapos kuhanin ang cellphone ay bumaba ito sa may EDSA-Loyola pero naituro kaagad ng mga pasahero sa nagpapatrolyang pulis si Lapus.

Wala na sa suspek ang cellphone ng pasahero, ngunit nakumpiska mula dito ang isang patalim.

Ayon kay Lapus, anim sila sa grupo na sumampa sa bus upang mandukot.

Samantala, ayon kay SPO2 Romeo Peñaflor, may nauna nang record sa Makati City Police si Lapus na kaso rin ng pandurukot. Pansamantalang nakulong si Lapus ngunit nang hindi na ituloy ng kanyang nabiktima ang kaso, ay nakalaya rin ito.

Read more...